Cagayan E-Hub, Binuksan sa bayan ng Amulung

20

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang kauna-unahang Cagayan E-Hub sa bayan ng Amulung.

Nanguna sa nasabing seremonya sina Ang Probinsyano Partylist Cong. Ronnie L. Ong at Mayor Elpidio Rendon katuwang ang isang pribadong kumpanya at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging ang iskolar ng bayan.


Nabigyan ng kagamitang teknolohiya gaya ng computer set, printers, air purifier, bond paper, alcohol, thermal scanner, wireless USB at computer stand and chairs.

Matatandaang noong nakalipas na taon ay tumanggap din ng tulong pinansyal ang LGU Amulung ng halagang P1.5 milyon mula sa Ang Probinsyano Partylist na ipinamahagi naman sa mga mag-aaral.

Facebook Comments