CAGAYAN GOV. MAMBA, BUMISITA SA CHINA PARA SA ISANG PAGPUPULONG

CAUAYAN CITY – Bumisita si Cagayan Governor Manuel Mamba sa bansang China para sa isang pagpupulong kasama si Shanghai Mayor Gong Zheng.

Sa nasabing pagpupulong ibinahagi ni Mayor Gong ang “five centers” initiative na ginagamit bilang direksyon ng kanilang bayan tungo sa pag-ulad.

Kinabibilangan ng “five centers” ang economy, finance, trade, shipping at sci-tech innovation.


Samantala, ipinahayag din ni Shanghai Mayor Gong Zheng na bukas ang kanilang bayan kung sakali mang dadalo sa China International Import Expo (CIIE) ang probinsiya ng Cagayan.

Ang CIIE ay isang trade fair na nilalahukan taun-taon ng mga negosyante mula sa iba’t ibang bansa, maging ng Hongqiao International Economic and Trade Forum.

Ito ay pinangungunahan ng Ministry of Commerce of China at Shanghai Municipal Government kasama ang World Trade Organization, United Nations Conference on Trade and Development at United Nations Industrial Development Organization.

Facebook Comments