Nagkasundo ang House Committee on Public Accounts at Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na i-contempt at ipa-detain si Cagayan Valley Governor Manuel Mamba.
Ito ay matapos nilang ilang ulit na hindi siputin ang pagdinig ng tungkol sa umano’y iligal na paglalabas ng pondo ng Cagayan Provincial Government sa panahon ng kampanya noong nakaarang taon.
Hindi rin umano nito binigyan ng travel authority ang ibang opisyal ng lalawigan para makadalo sa pagdinig ng Kamara.
Si Antipolo City Representative Romeo Acop ang nagsulong na ma-contempt at maditine si Mamba na kinatigan naman ng mga miyembro ng komite.
Kasama ring pina-contempt at pinapaditine ng dalawang komite si Cagayan Provincial Information Officer Rogelio Sending dahil sa hindi umano pagsunod sa pagtawag sa kanya ng mga komite ng walang legal na batayan.
Ang naturang pagdinig ay alinsunod sa House Resolution 146, na inihain ni Cagayan 3rd District Representative Joseph “Jojo” Lara na dahil sa umano’y malawakang pamumudmod ng cash at iba pang ayuda ni Mamba sa mga rehistradong botante sa election period mula Marso 25, 2022 hanggang Mayo 9, 2022.