Cagayan Governor Manuel Mamba, pinalaya na ng Kamara

Pinalaya na ng Kamara si Cagayan Governor Manuel Mamba na boluntaryong sumuko kahapon ng umaga sa Batasan Pambansa.

Si Mamba ay pinatawan ng contempt at pina-aresto ng House Committee on Public Accounts at Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Bunga ito ng hindi niya pagdalo sa mga pagdinig ukol sa umano’y iligal na paglalabas ng pondo ng Cagayan Provincial Government sa panahon ng eleksyon o mula Marso 25 hanggang Mayo 9 noong nakaraang taon.


Ayon sa chairperson ng komite na si Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, nagpasya silang palayain na agad si Mamba matapos itong mag-sorry sa komite, at mangakong hindi na tatalakayin sa labas ng Kongreso ang tungkol sa imbestigasyon ng Kamara.

Nangako din aniya si Mamba na babawiin ang inihaing petisyon sa Korte Suprema habang sa Martes naman ay aalisin na ng Kamara ang contempt na ipinataw sa kanya.

Facebook Comments