CAGAYAN, KINILALA BILANG 26TH MOST COMPETITIVE PROVINCE NG BANSA

Cauayan City – Kinilala ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 02 ang lalawigan ng Cagayan bilang ika-26 na Most Competitive Province sa Pilipinas batay sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Survey na isinagawa ng ahensya.

Tinanggap ni  Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer, ang parangal bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba. Ang seremonya ay pinangunahan ni DTI R02 Regional Director Ma. Sofia G. Narag.

Ang ranking ng mga lalawigan ay nakabase sa populasyon at income-weighted average ng mga scores ng kanilang mga lungsod at bayan.


Ayon kay Junio-Baquiran, ang tagumpay na ito ay patunay ng epektibong pamumuno ni Governor Mamba, kabilang ang pagpapatupad ng malalaking proyekto tulad ng Cagayan International Gateway Project (CIGP) na naglalayong isulong ang internasyonal na kalakalan.

Sinabi rin ni Governor Mamba na ang pagpasok ng internasyonal na pamumuhunan ay magdadala ng mas maraming oportunidad at magpapalago sa ekonomiya ng lalawigan.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng mga infrastructure developments sa probinsiya, tulad ng pagsasaayos ng mga provincial roads at pagtatayo ng mga pasilidad pang-turismo.

Samantala, bukod sa provincial ranking, kinilala rin ang ilang bayan ng Cagayan sa iba’t ibang kategorya ng CMCI, kabilang ang Santa Praxedes, Amulung, Gonzaga, Claveria, Allacapan, Lal-lo, at Tuguegarao City.

Facebook Comments