CAGAYAN LIBRARY CONSORTIUM, NAGPULONG PARA SA LIS AT NATIONAL BOOK WEEK

CAUAYAN CITY – Nagpulong ang Cagayan Library Consortium (CLC) upang pag-usapan ang paghahandang gagawin sa Library and Information Services (LIS) at National Book Week sa susunod na buwan.

Sa naging pagpupulong napag-usapan ang mga nakalinyang aktibidad para sa nabanggit na pagdiriwang.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang Search for Most Functional Library, Search for Outstanding Cagayano Librarian, Story Writing Contest, at “Takbook,” na isasagawa sa ika-13 ng Nobyembre.


Sa ika-30 naman ng Nobyembre ay gaganapin ang CLC Librarians Night at Awarding Ceremony.

Binubuo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa ilalim ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ang nasabing organisasyon.

Facebook Comments