Cagayan, Mayroon pang Higit 1,300 Aktibong Kaso

Cauayan City, Isabela- Umaabot pa rin sa mahagit isang libo ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Cagayan.

Nasa 1,353 pa ang kasalukuyang binabantayan ngayon sa Lalawigan matapos madagdagan ng 39 new covid-19 cases.

Nagdadala ito sa 17,083 kabuuang naitalang kaso sa probinsya.


Sa kabila nito, mayroon namang naitalang 15,353 kabuuang bilang ng mga gumaling na nagpositibo sa virus.

Umaabot naman sa 377 total death toll ng lalawigan.

Ang Cagayan ay tanging probinsya sa rehiyon dos na sumasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang sa Hulyo-15,2021 batay na rin sa rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mataas na naitatalang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments