Cagayan, nakaheightened alert; Publiko, sasailalim sa Rapid Test para sa mga Papasok sa Probinsya

22

Cauayan City, Isabela-Ipinatutupad ngayon sa Lalawigan ng Cagayan ang pagsasailalim sa rapid test para sa lahat ng papasok sa probinsya na layong matiyak na maiiwasan ang pagkahawa sa sakit na coronavirus.

Ito ang mahigpit na kautusan ni Governor Manuel Mamba sa lahat ng mga otoridad.


Inatasan ng opisyal ang lahat ng uniformed personnel gaya ng pulisya na mahigpit lalo pa’t dumarami ang positibong kaso sa Probinsya ng Isabela na isang ruta bago makapasok ng Cagayan.

Inaabisuhan ang publiko na kinakailangang sumailalim sa rapid testing lalo na ang mga magmumula ng Isabela na nagtatrabaho sa Tuguegarao City.

Ipinaliwanag naman ng otoridad ang lahat ng papasok sa Cagayan na may kaukulang dokumento gaya ng health declaration ay kanila na itong pinapayagan na makapasok kahit hindi na muling sasailalim pa sa rapid test.

Tiniyak naman ng pamahalaan na magtutuloy-tuloy ang ganitong hakbang para masigurong ligtas mula sa virus ang lahat ng mamamayan.







Facebook Comments