Cagayan Province, Muling Nakategorya sa “High-Risk” Epidemic Risk dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling naklasipika sa ‘high-risk’ ang lalawigan ng Cagayan kabilang ang Tuguegarao City dahil sa tumataas na naman na kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, nananatili sa ‘moderate’ ang Epidemic Risk Classification ng buong Rehiyon Dos.

Ibig sabihin lamang ay mabilis ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o pagdapo ng virus sa buong rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo.


Samantala, ang natitirang bahagi ng rehiyon gaya ng Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela at Santiago City ay nasa MODERATE risk epidemic classification naman habang nasa MODERATE rin ang Cauayan City at City of Ilagan.

Nanatili naman sa ‘minimal’ classification ang buong lalawigan ng Batanes.

Muli pa ring ipinapaalala ng DOH ang laging sundin ang umiiral na minimum health protocol.

Facebook Comments