Cagayan Province, naghahanda na sa epekto ng Bagyong Ramon

Naghahanda na ang Probinsya ng Cagayan sa inaasahang epekto ng Bagyong Ramon.

Ayon kay Cagayan PDRRMO Head, Retired Col. Atanacio Macalan, patuloy ang repacking sa mga relief items para sa mga maaapektuhan ng pagbaha.

Nakalagay na rin sa red alert ang kanilang rescue teams.


Aniya, 16 na lugar sa kanilang lalawigan ang matatagpuan sa low-lying areas o mabababang lugar kaya mataas ang tiyansa ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Matatandaang inilagay na ang buong lalawigan sa State of Calamity dahil sa Bagyong Quiel.

Facebook Comments