*Cauayan City, Isabela*- Ipinag utos ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang pagpapaliban ng pagtungo sa mga pasyalan sa probinsya sa loob ng dalawang (2) linggo maging ang suspensyon sa klase sa loob ng 14 na araw simula ngayon, Marso 14, 2020 dahil sab anta ng COVID-19.
Ayon kay Mamba, ito ay upang magamit ang makaiwas ang publiko sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.
Inatasan din ni Mamba ang lahat ng sangay ng mga health authorities na manatiling bantayan ang mga posibleng pagpasok ng mga bakasyonista mula sa Metro Manila at payuhan na isailalim sa 14 days home-quarantine ang mag ito.
Pansamantala na isinara sa publiko ang ilang kilalang pasyalan gaya ng Cagayan Museum, Provincial Library, Cagayan Sports Complex, Callao Cave maging ang visiting hours sa Provincial Jail sa Tuguegarao City at Sanchez Mira.
Kasabay nito, hinikayat ni Mamba ang publiko na sundin ang kautusan pagdating sa personal hygiene at social distancing alinsunod sa alintuntunin ng DOH para makatulong na masugpo ang naturang sakit.
Sa ngayon, nananatili pa ring COVID-19-free ang lalawigan ng Cagayan dahil wala pang naitatalang kaso na nagpositibo sa lalawigan.