CAGAYAN – Umaapela pa rin ng tulong ang Cagayan Provincial Government dahil sa matinding pinsalang iniwan ni bagyong Lawin.Sa interview ng RMN sa OIC ng Cagayan Public Information Office na si Rogie Sending, problema pa rin ang suplay ng kuryente sa halos 80-porsiyento ng lalawigan.Sinabi din ni Sending na wala na ring mapagkukunan ng malinis na suplay na tubig.Pero patuloy ang clearing operations sa mga hindi madaanang kalsada para maihatid ang tulong sa mga naparalisang bayan.Nagbigay na rin aniya ng tulong pangkabuhayan ang gobyerno sa mga magsasaka na lubos na naapektuhan.Sa huling tala, umabot sa 74,000 na pamilya ang naapektuhan, apat ang naitalang patay habang mahigit walong bilyong piso ang iniwang pinsala.
Facebook Comments