CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Health Region 02 na kabilang ang lambak ng Cagayan sa may pagtaas ng bilang ng kaso ng mga tinamaan ng dengue ngayong taong 2024.
Kabilang sa iba pang lugar sa bansa na nakitaan ng pagsirit sa naturang sakit ay ang rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, Caraga, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Ayon sa DOH, 70,498 na mga kaso mula January 1 hanggang June 1 ang naitala kung saan 197 dito ang namatay.
Kaya naman, umaapela ngayon ang ahensya sa publiko na mas lalo pang paigtingin ang kalinisan nang sa ganon ay hindi na tumaas pa ang kaso ng dengue.
Ngayong buwan ang inaasahang pagtaas ng naturang sakit dahil sa inaasahang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Facebook Comments