Cauayan City — Muling ginawaran ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) bilang Best National Government Hospital sa 24th Gawad Kalasag Awards, isang prestihiyosong pagkilala na ibinigay sa ikalawang sunod na taon.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang awarding ceremony at personal na iniabot ang parangal sa CVMC.
Ayon kay Dr. Cherry Lou Molina Antonio, Medical Center Chief II ng CVMC, ang karangalang ito ay patunay ng dedikasyon at kasipagan ng kanilang buong koponan sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
Ani Antonio, hindi naging madali ang biyahe, pero ang lahat ng pagsisikap ay sulit para sa kabutihan ng komunidad.
Ang CVMC ay nananatiling inspirasyon sa larangan ng pampublikong serbisyong pangkalusugan sa bansa.