Tuguegarao City, Cagayan – Wala naman naitalang kaso ng tigdas sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Tuguegarao City, Cagayan sa kasalukuyan sa kabila ng deklarasyon ng measles outbreak sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Dr. Cherry Antonio ng CVMC, tuloy-tuloy ang kanilang immunization drive para sa mga bata kung saan isang epektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng tigdas.
Aniya, karaniwang sakit ng mga bata ang tigdas na ang sintomas ay ang pamumula ng mata at lagnat na may kasamang rashes.
Ito ay nakakahawang sakit at madali itong naililipat sa iba sa pamamagitan ng hangin at malapitang pakikipag-usap.
Samantala, naglatag pa rin ang nasabing ospital ng measles express lane para sa pasyenteng posibleng magkaroon ng kaso ng tigdas.
Patuloy naman anya ang kanilang paalala sa mga magulang na huwag balewalain ang simpleng lagnat ng mga anak at kung nakikitaan ng mga sintomas ay agad na dalhin sa pagamutan.