CAGAYAN VALLEY, TOP RICE PRODUCING REGION SA PILIPINAS

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 1.4 million metric tons (14.58%) o katumbas ng 8.3 milyon metrikong tonelada ng National Production ang naitala ng Cagayan Valley region sa buong Pilipinas para sa taong 2021 kung saan mayroong 297% sufficiency level.

Pangalawa ang Central Luzon na Top Rice Producing sa rehiyon batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Aabot sa 3.7 million metric tons ang rice production ng Central Luzon.

Sa limang probinsya, Isabela ang pinakamalaki ang production na may 701,762 metric tons; 521,073 metric tons naman ang Cagayan; 128,353 metric tons ang Nueva Vizcaya, 54,107 metric tons naman ang Quirino at 84.00 metric tons ang Batanes.

Ayon kay DA Regional Executive Director Narciso Edillo, kita ang paglago ng produksyon dahil sa magandang panahon sa nakalipas na taon gayundin ang dami ng mga nagtanim ng hybrid.

Sana lang aniya ay walang dumating na malakas na bagyo ngayong taon para maging maganda ang ani.

Maaalala na nanguna ang Cagayan Valley sa corn production sa nakalipas na taon habang ang probinsya ng Isabela ay malaki ang bilang ng mga naani.

Umaabot sa 244,000 metric tons ang ani ng Isabela, 137,000 metric tons ang Cagayan, 17,000 metric tons ang Nueva Vizcaya at 33,000 metric tons ang Quirino.

Ang Isabela ay tinaguriang Corn Capital of the Philippines.

Facebook Comments