#CagayanNeedsHelp, viral matapos malubog sa baha ang lalawigan

135

Nananawagan na ang mga netizens sa national government sa tulungan ang Cagayan Province at buong Cagayan Valley na lumubog sa matinding baha dahil sa pinagsamang Bagyong Ulysses at Hanging Amihan.

Nag-trending sa Twitter ang hashtag #CagayanNeedsHelp, #CagayanValleyNeedsHelp, #IsabelaNeedsHelp at #TuguegaraoNeedsHelp.


Ilang residente ang nagsasabi matindi ang naranasan nilang baha ngayon kumpara noon.

Anila, hindi rin sapat ang kakayahan ng kanilang lokal na pamahalaan para magsagawa ng rescue lalo na at mula pa nitong Biyernes sila nagsasagawa ng rescue operations.

Patuloy rin ang pagtaas ng baha dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Facebook Comments