Cagayano, Nakiisa sa pagdiriwang ng Ika-436 Araw ng Cagayan!

*Cagayan Province**-* Nakiisa ang mga Cagayano sa Ika 436 Aggao Nac Cagayan kasabay ito ng pagpapasinaya sa bagong rehibilitadong liwasang rizal sa siyudad ng Tuguegarao na pinangunahan ni Governor Manuel Mamba ng Proninsya ng Cagayan sa nasabing pagtitipon

Ayon kay Gov. Mamba, ang nasabing liwasan ay isa sa pinakamagandang pasyalan noong siya pa ay nag aaral sa syudad.

Ang nasabing pasyalan ay napabayaan umano ng mga nagdaang administrasyon. Aniya, ang nakaraan ay hindi dapat pabayaan at dapat bigyang pansin bilang pagbibigay na din ng respeto at pagkilala sa kanilang kabayanihan para sa bansa.


Aniya isantabi na ang alitan sa pulitika at isipin ang mga susunod pa na henerasyon para sa Cagayan.

Hiling ng gobernador sa kanyang ikalawang termino bilang haligi ng probinsya ang pagkakaisa ng mga opisyales ng Cagayan

Ayon pa kay Gov.Mamba, ang pambansang bayani na si Rizal at ang mga bayani ang siyang magsilbing ehemplo sa buong Cagayan upang simulan sa bawat sarili ang pagbabago upang makamit ang minimithi ng bawat Cagayano na Pagbabago.

Sa huli, nagpasalamat ang Gobernador sa mga sakripisyo ng bawat isa para sa lalawigan ng Cagayan

Facebook Comments