Cainta Cemetery, sarado mula October 30 hanggang November 3 ayon sa Cainta, Rizal Government

31

Inihayag ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na isasara muna ang mga sementeryo para maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao at dahil na rin sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Mula October 30 hanggang November 3, 2020 ay isasara at walang papapasukin sa mga araw na nabanggit sa mga sementeryo sa Cainta, Rizal.


Nakiusap din si Mayor Nieto sa mga residente na bumisita na bago dumating ang nakatakdang araw ng pagsasara ng sementeryo sa Cainta at sumunod din sa mga health protocols na ipinatutupad ng IATF katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at mag-social distancing.

Pinaigting na rin ang pagbabantay sa mga sementeryo sa Cainta, Rizal at kinukuhanan sila ng body temperature, contact tracing habang nasa loob ng sementeryo at bawal pa rin ang pagdadala ng ipinagbabawal sa loob ng sementeryo katulad ng matalas na bagay, ang pag-iingay at pagsusugal.

Facebook Comments