Inihayag ng Cainta Rizal Government na mahigit na 72 mga pamilya ang informal settler na nakatira sa 3.5 Sitio Dilain, Valley Golf sa Barangay San Juan ang makikinabang sa ipamamahaging lupa ng alkalde.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith “Kit” Nieto na mahigit 80 na umuukupa ng pribadong lupa sa Leticia Ville sa Barangay San Andres na halos 11 taon lumapit sa kanya para hanapin ang may-ari ng lupa kaya nahanap na ng alkalde kaya’t hindi na sila mga informal settler.
Paliwang ni Mayor Nieto, babayaran ng mahigit 80 pamilya ang 25 taon sa Cainta Local Government Unit (LGU) nang walang interes at abot-kaya ng mga residente.
Nagbigay rin ng award ang alkalde ng Katibayan ng Pagtatalaga at Technical Descriptions sa 190 na informal settlers na pamilya mula sa Upper Kuatro, sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal.
Umapela rin si Mayor Nieto sa mga pamilya na huwag nang palawigin ang harapan ng kanilang bahay upang hindi magsiksikan ang kanilang lugar.