Unti-unting nababawasan ang mga pasyenteng binabantayan ng Cainta Rizal Government na may taglay na COVID-19 kung saan noong Sabado lamang ay 45 pa ang binabantayan nilang pasyenteng may COVID-19 pero ngayon ay nabawasan na ng lima at mapalad dahil buhay naman lahat ang lima ng recovered.
Sa kaniyang Facebook page sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na ilan na lang ang kasong aktibo sa COVID-19 ang patuloy na binabantayan ng Cainta Rizal Government kung saan mapalad ang naturang bayan dahil wala namang nadagdag sa datos nila.
Paliwanag ng Alkalde, nananatili pa rin 13 ang nasawi sa COVID-19, 35 ang narekober habang nasa 34 ang naka home quarantine at apat na hospital ang patuloy na tumatanggap ng pasyente na pinaniniwalaang may taglay na COVID-19 at isa ang Facility sa Cainta Rizal.
Hinikayat ni Mayor Nieto, ang mga Barangay official sa Cainta Rizal na higpitan ang pagbabantay sa mga checkpoints at tiyaking lahat ng lumalabas na mga residente ay mayroong suot na facemask at quarantine pass para matiyak na sila ay residente sa kanilang Barangay.
Umapila rin ang Alkalde sa lahat ng mga residente ng Cainta Rizal na manatili lamang sa kani-kanilang mga tahanan dahil gumagawa siya ng paraan upang hindi magugutom ang kaniyang mga nasasakupan.