Cainta, Rizal Government, nagkatay ng 2 malalaking baboy para sa mga residente ng Cainta, Rizal na apektado ng ipinatutupad na ECQ

Tinitak ng pamunuan ng Cainta, Rizal Government na kahit ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay masasarap pa rin ang ulam ng mga residente ng naturang bayan.

Hindi na sardinas kundi baboy naman ang uulamin ng mga mahihirap naka-home quarantine sa dalawang lugar sa Cainta, Rizal.

Ito ay matapos na magkatay ng dalawang malalaking baboy ang Cainta, Rizal Government.


Sa Facebook post, sinabi Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na para-paraan lamang ang pagbibigay ng ayuda lalupat hindi gaya ng ibang mga Local Government Unit (LGU) ay mahirap lamang at maliit ang pondo ng bayan ng Cainta.

Kabilang sa mga lugar na binigyan ng tig-kakalahating kilo ng bagong katay na baboy ay ang mga indigent na residente ng Bagong Silang at Valley Golf.

Paliwanag ni Mayor Nieto sa mga residente, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing kaya’t door-to-door inihatid ang kalahating kilo ng baboy sa mga mahihirap na residente.

Facebook Comments