Cainta, Rizal Government, nais mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang lahat ng mga residente

Naghahanda na ang Cainta, Rizal Government para sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa, upang maturukan ng bakuna para sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Cainta Rizal Mayor Kieth Nieto, nais niyang ang lahat ay maturukan ng nasabing bakuna pero hindi matiyak kung ano ang pangalan ng vaccine dahil hihintayin pa umano nila ang sasabihin ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Department of Health (DOH) at tatalima sila sa kagustuhan ng naturang mga ahensiya ng pamahalaan.

Paliwanag ng alkalde, maglalaan ng P150 million ang lungsod para sa 310 na mga residente ng Cainta at prayuridad pa rin ang mga nauna nang sinabi ng national government na mga mahihirap na mga Pilipino, frontliners, senior citizen, Philippine National Police at ang lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal.


Dagdag pa ni Mayor Nieto, mas mainam umano na nakahanda na sila dahil nakalaan na rin ang kanilang pondo para sa taong 2021 kung saan aalamin din nila sa DOH kung puwede na ang Cainta LGU na ang dumirekta sa pagkukunan ng bakuna o aantayin na lamang nila ang pagdating ng vaccine sa bansa.

Facebook Comments