Cainta, Rizal Government, namahagi ng mahigit 5,000 food packs ngayong araw sa ilang lugar sa Cainta, Rizal

Umaabot sa 5,770 food packs ang ipamamahagi ngayong araw ng Cainta, Rizal Government sa 10 lugar na nasasakupan ng Cainta, Rizal bilang bahagi ng kanilang ayuda bunsod ng mahigpit na ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na tuluy-tuloy ng relief operation ang kanilang gagawing kung saan 10 mga lugar sa Cainta ang kanilang pupuntahan.

Kabilang sa bibigyan ng relief goods ng Cainta Rizal Government ay ang Brookside 1 & 2 na padadalhan nila ng 700 packs ng relief goods; Tuason Valley Golf,700 na food packs; Valley Fairway, 300 na food packs; San Francisco, 500 na food packs; Lakas Bisig West Floodway, 500 na food packs; Madera Homes, 470 na food packs; Lakas Tao Alley 21, 500 na food packs; Karangalan, 1,000 food packs; at Vista Verde 600 food packs na mismo si Barangay Captain Ricardo Licup Jr. ang mismong magdadala ng relief goods.


Paliwanag ng alkalde, hindi biro ang ginagawa nilang pamamahagi ng mga relief goods dahil kinakapos na rin ang kanilang pondo, mabuti na lamang mayroon umanong mga good Samaritan na kanilang mga ka-barangay na boluntaryong nagdo-donate ng pera at mga pagkain na kanilang ibinabahagi naman sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments