Sunday, January 18, 2026

Cainta, Rizal gov’t, lumagda na rin ng kasunduan sa AstraZeneca

Kinumpirma ni Cainta Mayor Kit Nieto na lumagda na sila ng kasunduan sa AstraZeneca.

Ayon kay Mayor Nieto, ₱150 million ang inisyal na inilaan nila upang bumili ng mga bakuna na ipamamahagi ng libre sa bawat residente ng Cainta, Rizal.

Bukod sa AstraZeneca, nakikipag-usap rin sila sa iba pang gumagawa ng bakuna na nakabase sa China para matiyak na mayroong sapat na supply ng bakuna laban sa COVID-19 ang Cainta, Rizal.

Facebook Comments