Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto, inaming marami ang hindi nabigyan ng SAC sa kanyang bayan

Aminado si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na marami talagang hindi nabigyan ng Social Amelioration Card form assistance sa Cainta, Rizal dahil ang alokasyon ng Cainta, Rizal Government ay mahigit lamang na 37,000 pero ang mga residente ng naturang bayan ay umaabot sa 320,000 ang tao sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Mayor Nieto, wala naman umanong pera ang Cainta, Rizal hindi katulad umano ng Pasig City Government na kayang tustusan ang mga hindi na cover ng Social Amelioration Card (SAC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) program.

Paliwanag ng alcalde, gumagawa siya ng paraan upang mabigyan ang hindi naabutan ng tulong mula sa DSWD kaya naisip umano nitong mag-auction nalang ng ilang gamit gaya ng mga sapatos kung saan ang kikitain nito ay ibibigay niya sa mga hindi na cover ng SAC ng DSWD program para kahit papaano, aniya, ay makatulong sa kanyang mga kababayan.


Dagdag pa ng alkalde na ang kanyang mga mamahaling sapatos na iniregalo sa kanya ng kanyang mga kaibigan at anak ay i-auction nito ang lahat na umaabot sa ₱53,000 ang kahat dahil mayroon siyang sapatos na nagkakahalaga ₱13,000.00, ang isa regalo sa kanya ni Dan Gutierrrez sa kanyang kaarawan na nagkakahalaga ng ₱30,000.00 at ang pangatlong pares nitong sapatos na regalo naman sa kanya noong Christmas ni Matt Nieto ay nagkakahalaga ng ₱10,000.00 lahat umano ay size 11.

Giit ni Mayor Nieto, gagawin niya ang lahat mabigyan lamang ng ayuda ang lahat ng kanyang mga nasasakupan kaya’t araw-araw umano hanggang matapos ang quarantine, ay mag-auction siya ng tatlong pares ng sapatos hanggang maubos ang naturang virus o kaya ay maubos ang kanyang mga koleksyon.

Facebook Comments