Cainta Rizal, nagtayo ng Quarantine Center

Inihayag ng Pamunuan ng Cainta Rizal Government na magtatayo sila ng Quarantine Center para sa pagsusuri sa mga nasasakupan nito na posibleng tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Sa isang Facebook Post sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na ang Felix High School na nasa tapat lamang ng Ospital ng bayan ay gagawing isang Quarantine Facility.

Ayon kay Mayor Nieto, tinatayang 100 katao na sa bayan ang nasa Person Under Investigation o mga taong nakitaan ng mga sintomas ng flu na maaaring positibo sa COVID-19.


Dagdag pa ng alkalde na ang naturang mga PUI’s na nakakaranas ng malumanay hanggang katamtamang sintomas ay sasailalim sa quarantine sa nasabing pasilidad.

Paliwanag pa ni Mayor Nieto mayroong silang mga espesyalista na magbibigay ng gabay sa kanilang mga Health Workers na mangangasiwa sa Quarantine Center upang maayos na maipatupad ang nasabing pasilidad.

Nakatanggap naman ang Cainta Rizal Government ng 30 higaang kutson at 30 bed sheets at punda mula sa isang guro mula sa Felix High School matapos nitong mabasa na magtatayo ng Quarantine Center para sa mga PUI’s.

Facebook Comments