Positibo ang pananaw ng Cainta, Rizal Government na marami pang mga residente ang gumagaling sa COVID-19 dahil sa kanyang mahigpit na kautusan sa pagpapatupad na bawal lumabas sa tahanan ang mga residente ng walang quarantine pass at hindi importante ang mga lakad.
Sa kanyang Facebook page sinabi ni Cainta Mayor Kit Nieto na umaabot na sa 90 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 12 rito ay nasawi na sa iba’t ibang pagamutan habang 21 sa 90 pasyente kumpirmado sa COVID-19 at 6 naman ang nasa facility quarantine sa kabuuang populasyon ng Cainta, Rizal na umaabot sa 370,000.
Paliwanag ng alkalde na ang natitirang naka-home quarantine ay nagaantay nalamang ng resulta ng 4th hanggang 5th swab kung hawak nito ang data para ma-monitor ang resulta ng mga susunod na swab at ang Management Information System Office naman ang primarily tasked na kumalap ng lahat ng mga importanteng data kaugnay dito.
Dagdag pa ni Mayor Nieto na sa ngayon aniya ay mayroon ng 57 pasyenteng may taglay na COVID-19 na binabantayan ng Cainta, Rizal Government kung saan ay tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawa nilang mass screening sa buong Cainta, Rizal.
Giit ng alkalde, ngayong darating na Biyernes ay pasisinayaan nila ang teleconference consultation sa limitation doctor gamit ang online facility na i-install nila mamaya.