CAIRO SHOOTING | 11 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa simbahan sa Cairo, Egypt

Cairo, Egypt – Labing isa ang patay habang lima ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa isang simbahan sa Helwan, Cairo sa Egypt.

Kabilang sa mga nasawi ay isang pulis na nagbabantay lamang sa labas ng Coptic Christian Church.

Ayon sa interior ministry, naaresto din ng mga otoridad ang suspek na sugatan sa pagresponde ng mga pulis.


Unang namaril ang suspek sa isang shop apat na kilometro ang layo mula sa simbahan kung saan dalawang iba pa ang nasawi bago ito nagtungo sa Mar Mina Church.

Nagtangka pa ang gunman na maghagis ng pampasabog pero agad itong napigilan.

Wala pang umaako sa nasabing pag-atake habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Facebook Comments