CAKES FOR RENT: PRAKTIKAL AT PATOK NA ALTERNATIBO SA MGA KASALAN, ALAMIN!

Usap-usapan ngayon ang kakaibang ideya ng “Cake for Rent” matapos ibahagi ng isang bagong kasal ang kanilang karanasan sa paggamit nito sa kanilang wedding reception.

Karaniwan nang sentro ng bawat kasalan ang isang mataas at magarang wedding cake, na madalas umaabot pa sa anim na talampakan ang taas kaya naman naging daan ang bagong praktikal na solusyon ng isang cake supplier mula Bonuan Boquig , Dagupan city, ang Ireneos Cakes Wedding Cakes for Rent.

Sa ganitong setup, ang cake na nakikita sa display ay karaniwang styro-based o may decorative outer layer lamang, habang hiwalay na inihahanda ang tunay na cake bread na hinihiwa o kinakain ng mga bisita.

Isa sa mga nakasubok na ng Cake for Rent, ay ang bagong kasal na si Evelyn Artsymed, na ikinasal nito lamang Oktubre.

Ayon sa kanya, malaki ang kanilang natipid at nabawasan ang abala dahil hindi na nila kinailangang asikasuhin kung paano uubusin ang malaking cake. Bukod pa rito, picture-perfect pa rin ang cake at mas magaan sa bulsa.

Kaya sa mga couple who are soon to tie the knot, pwedeng pwede subukan ang “cake for rent” bilang isang cost-efficient at stylish na alternatibo, lalo na ngayong dapat mas maging maingat at praktikal sa wedding expenses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments