Calabarzon, NCR, at Central Luzon, nangunguna sa mga lugar na maraming botante para sa eleksyon 2022

Nangunguna pa rin ang Calabarzon, National Capital Region (NCR) at Central Luzon sa mga lugar na mayaman sa boto para sa 2022 eleksyon.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, sa Region 4-A o Calabarzon, nasa 9,193,096 na ang mga botante.

Sinundan ng National Capital Region (NCR) na mayroong 7,322,361 registered voters at Central Luzon na may 7,289,791 registered voters.


Kung pagsasama-samahin, nasa 23.8 milyong indibidwal na boboto para sa eleksyon 2022 ang mayroon sa tatlong rehiyon.

Kabuuang 65,745,529 total registered voters ang mayroon sa Pilipinas.

Facebook Comments