CALABARZON police, mayroon nang person of interest sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon

Mayroon nang person of interest ang CALABARZON police sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Sa report ni Police Regional Office 4-A Director PBGen. Paul Kenneth Lucas sa Kampo Krame, sinabi nitong isang tao ang tinitingnan nila sa ngayon na makapagbibigay linaw sa kaso ng nawawalang beauty queen.

Tumanggi naman na magbigay pa ng dagdag na detalye si Lucas sa naturang person of interest.


Samantala, tiniyak naman ng CALABARZON police sa pamilya ni Camilon na iuuwi nila ng ligtas ang dalaga.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng mga pulis para matunton ang lugar na kinaroroonan ni Camilon.

Nabatid na October 12 pa napaulat ang pagkawala ni Camilon na kumatawan sa Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.

Facebook Comments