Calabarzon regional chief, itinanggi ang pagdadawit sa kanya sa operasyon ng iligal na sugal.

487

Pinabulaanan ni Police Regional Office 4-A Director Police Brigadier General Vicente Danao na may kamag-anak siya na sangkot sa operasyon ng iligal na sugal.

Ito ay matapos na magpakilala ang isa sa 17 operator ng iligal na sugal sa Cavite nitong isang linggo na kamag-anak umano siya ng heneral gamit ang apeliyedong “Danao”.


Sa panayam sa Camp Crame kay Brigadier General Danao, sinabi nito na may isang operator silang matagal nang tinutugis.

Maaring ito ang gumagamit ng kaniyang pangalan para humingi ng limang milyong piso na pampadulas at masira ang kanyang pangalan.

Matatandaang kabilang ang isang Captain Carling sa 17 mga naaresto ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa ilalim ng “Oplan Bulilyo” nitong isang linggo kung saan nagpakilala itong ka-anak umano ni Danao batay sa ipinakita nitong ID gamit ang apeliyedo ng heneral.

Pero hamon dito ng heneral na magpakilala sa kanya ang nagpakilalang kamag anak at pagsasasampalin niya ito.

Facebook Comments