Calamity Assistance para sa Pamilya ng OFW’s, Kinumpirma ng OWWA Region 2!

Cauayan City,Isabela – Kinumpirma ng pamunuan ng OWWA Regional Office 2 na maibibigay ang tulong pinansyal o calamity assistance para sa pamilya ng mga OFW’s sa rehiyon dos na nasa state of calamity tulad ng probinsya ng Cagayan at Isabela.

Sinabi ni Regional Director Pilipina Dino na makakatanggap ng tatlong libo ang direktang pamilya ni ofw na active member ng OWWA habang isang libo at limang daan para naman sa mga in-active member ng OWWA.

Ayon pa kay Director Dino, kinakailangan lamang umano na magsadya sa tanggapan ng OWWA ang direktang pamilya o beneficiary ni OFW kung saan ay ligal na asawa, anak at magulang kapag naman ay walang asawa ang isang OFW.


Aniya magdala lamang umano ng mga balidong mga papel at dapat na original copy ang mga kakailanganin at identification card bilang mga patunay.

Paliwanang pa ni Dino na unang isasagawa ng OWWA ang beripikasyon ng mga kaukulang datos at isusunod na ang ebalwasyon sa mga aplikante at ibibigay na ang calamity assistance.

Facebook Comments