CALAMITY FUND | Mabagal na pagpapalabas ng pondo, ikinadismaya ni Albay Governor Al Francis Bichara

Albay, Philippines – Nagdeklara na ang Albay Provincial Government ng kakulangan ng budget para ayudahan ang mga evacuees na lumikas kasabay ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Hindi pa rin naibibigay sa pamahalaang panlalawigan ang inilaaang 94 milyong pisong calamity fund.

Hindi naitago ni Albay Governor Al Francis Bichara ang pagkadismaya sa Department of Budget and Management (DBM) dahil sa mabagal na pagpapalabas ng calamity fund.


Ang natitirang relief funds ay magtatagal nalang umano ng hanggang apat na araw.

Facebook Comments