Calamity fund ng LGUs, pinapadagdagan ni Senator Lacson

Pinapadagdagan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang pondo ng mga lokal na pamahalaan na pantugon sa kalamidad.

Iginiit ito ni Lacson sa halip na itaas ang 20-billion pesos na calamity fund para sa taong 2021 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Partikular na nais padagdagan ni Lacson ay ang Assistance to Local Government Units at Local Government Support Fund na nakapaloob sa budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG).


Kaugnay nito, ay hihingiin ni Lacson sa DILG ang listahan ng mga LGU na benepisyaryo nito na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Nais ni Lacson na mabigyang prayoridad ang mga fourth hanggang sixth municipality o yung may mababang kita.

Facebook Comments