Palalakasin sa ilalim ng 2025 national budget ang calamity fund para magdala ng mabilis at napapanahong tulong sa mga komunidad lalo na ngayong nakararanas ang bansa ng sunod-sunod na bagyo.
Para sa susunod na taon ay binigyan ng Senado ng ₱21 billion na alokaayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund sa ilalim ng panukalang ₱6.352 trillion national budget at mas mataas ito ng ₱500 million kumpara ngayong 2024.
Ayon kay Poe, ang dagdag na pondo para sa pagtugon sa kalamidad ay para maibigay ang agarang pangangailangan ng mga kababayan tuwing may kalamidad.
Sinabi ni Poe na kapag mayroong resources ang isang komunidad ay makakaresponde sila agad at makakapagligtas ng maraming buhay.
Dagdag pa ng senadora, ang pondong ito ay hindi lang para sa mga mabibiktima ng bagyo na pangkain sa ilang araw kundi gagamitin din ito sa pagsisimula ng ating mga kababayang nasalanta.
Susuportahan din ng mambabatas ang quick response fund ng DSWD na siyang nasa forefront ng mga kalamidad.