CALASIAO, MAGHIHIGPIT SA PAGPASOK NG MGA INDIBIDWAL SA SEMENTERYO; NO VACCINATION/BOOSTER CARD, NO ENTRY IPAPATUPAD

Ipapatupad ng lokal na pamahalaan ng Calasiao ang No Vaccination/Booster Card, No entry sa mga sementeryo para sa papalapit na Undas. Ito ay sa kabila pa rin na pag-iingat ng LGU sa COVID-19.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga 12 taong gulang pataas na mayroong bakuna ang tanging pinayagang makapasok sa mga pribado at pampublikong sementeryo.
Hindi rin papayagang makapasok ang mga vendors sa sementeryo. Nagtakda din ang LGU ng per barangay visitation na nagsisimula sa October 29.

Mahigpit din itong nagpaalala na isuot ang facemask sa loob ng sementeryo, magdala ng alcohol at sumunod sa minimum health protocols.
Prayoridad umano ng LGU ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa mataimtim na pagdalaw at paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay. |ifmnews
Facebook Comments