Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na bandang alas-3:11 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Calatagan sa Batangas.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro.
Natunton ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan.
May lalim na 80 kilometro ang pinanggalingan nito at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang Intensity 2 sa Tagaytay City, Cavite, Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro.
Habang Intensity 1 naman sa Bauan, Batangas City, at Lemery, sa Batangas, Magallanes, Cavite ; Magsaysay at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro .
Pagtiyak ng PHIVOLCS na wala namang dalang pinsala ang lindol at wala ring asahan pang aftershocks.