Calatagan, Batangas, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Calatagan, Batangas alas-7:43 kaninang umaga.

Naitala ang episentro nito sa layong 10 kilometers Hilagang Kanluran ng bayan ng Calatagan.

May lalim itong 74 kilometers at tectonic ang origin.


Naramdaman din ang pagyanig sa Cavite, Mindoro, Bataan at Metro Manila.

Pero sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na walang dapat ipag-alala dahil malalim ang lindol.

Bagama’t posible ang aftershocks, hindi naman magkakaroon ng tsunami.

Nilinaw rin ni Solidum na walang kinalaman sa Bulkang Taal ang pagyanig.

Facebook Comments