CALENDAR OF ACTIVITIES PARA SA CALASIAO PUTO FESTIVAL 2025, INILATAG NA

Inilabas na ng lokal na pamahalaan ng Calasiao ang opisyal na Calendar of Activities para sa nalalapit na siyam na araw na pagdiriwang ng Calasiao Puto Festival na gaganapin mula December 5 hanggang 13, 2025.

Tampok sa kapistahan ang mga aktibidad na magpapakita ng kultura, tradisyon, at mga produktong pangkabuhayan ng bayan, kabilang ang kilalang Puto Calasiao. Araw-araw ay may inihandang programa para sa mga residente at bisita.

Ilan sa mga aarangkadang aktibidad ang Motorshow, Parol Making Contest, Puto Construction and Design Contest at Street Party.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng selebrasyon na palakasin ang turismo at suportahan ang mga lokal na negosyante sa pamamagitan ng pagsusulong sa mga produktong tatak-Calasiao.

Facebook Comments