Caliber 45, Ginamit ng NPA kay SB Mallari!

379

Allacapan, Cagayan – Kinumpirma ng Police Regional Office 2 (PRO2) na gumamit umano ng caliber 45 na uri ng baril ang tatlong miyembro ng Danilo Ben Command sa pagpatay kay Sangguniang Bayan at retiradong pulis na si Zaldy Mallari.


Sa naging imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay narekober ang 9 na piraso ng basyo ng caliber 45, anim na slug ng baril at isa pang sirang slug sa pinangyarihan ng krimen.

Magugunita na pinagbabaril si SB Mallari ng dalawang kalalakihan kahapon, May 24, 2018 habang ang isa pa sa mga ito ay naghihintay at tumakas sakay ng itim na Euro at XRM na motorsiklo.

Samantala patuloy parin ang ginagawang pagtugis ng mga kapulisan upang mapanagot sa batas ang mga salarin sa nasabing pamamaslang kay Sangguning Bayan Member Mallari.

Facebook Comments