Inihayag ngayon ni House Speaker Martin Romualdez na pinag-aaralan na ng House Committee on Agriculture and Food ang pagrekomenda kay Pangulong Bongbong Marcos na i-calibrate ang importasyon ng sibuyas at bawang.
Iginiit ni Romualdez, ang gagawing pag-angkat ng sibuyas at bawang ay dapat tiyaking sapat lang upang hindi makaapekto sa ani at kita ng ating mga magsasaka.
Naniniwala si Romualdez na sa ganitong hakbang ay mapupuwersa ang mga mapagsamantalang indibidwal na ilabas ang kanilang mga iniimbak na produktong agrikultural.
Tiwala si Romualdez, ang sa ganitong paraan ay bababa ang presyo ng mga sibuyas at bawang at maiibsan ang pasanin ng mga mamimili dahil sa napakamahal na mga bilihin.
Bukod dito ay nanawagan din si Romualdez sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng regular monitoring sa supply at presyo ng sibuyas at bawang sa mga palengke at iba pang pamilihan sa bansa.