California – Walong mga labi pa ang nakuha ng mga search and rescue unit sa bayan ng Paradise na tinupok ng pinakamalaking wild fire na naitala sa kasaysayan ng California.
Dahil dito nasa 56 na ang kumpirmadong nasawi sa wild fire na lumamon ng napakaraming mga ari-arian sa Northern California.
Pinangangambahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil 130 pa, karamihan ay mga senior citizen, ang nawawala at hindi matiyak kung ano ang nangyari sa mga ito.
Mahigit 400 na mga search and rescue crew kasama na ang 22 cadaver dog ang nagkukumahog na makita at mailigtas ang mga naging biktima ng wild fire.
Facebook Comments