Call Center Agent, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Huli sa aktong pagbebenta ng iligal na droga ang isang call center agent pasado 2:00 ngayong hapon sa Brgy. Alicaocao, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Viena Marie, 26-anyos at residente ng Brgy. Mabantad sa nasabing lungsod.

Una nang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na kasalukuyan ang ginagawang bentahan ng droga ng suspek na agad namang tinugunan ng mga operatiba.


Nabatid na ang suspek ay kabilang sa DI Listed ng pulisya.

Narekober din ang P500 na buy-bust money at cellphone na hinihinalang ginagamit nito sa kanyang iligal na transaksyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments