Call center agent, patay sa pamamaril sa Pasay City

Pasay City – Patay ang isang call center agent matapos pagbabarilin sa Pasay City.

Ayon kay SPO2 Dennis Desalisa, nakitang nakahandusay sa gilid ng service road sa Cuneta Astrodome si Mark Collantes Borromero, 38 anyos.

Batay sa kwento ng saksing si Ernesto Sarmiento, isang jeepney driver, nakita niyang hinahabol at pinapuputukan ng baril ang biktima ng tatlong hindi nakikilalang suspek.


Aniya, nakorner ng mga salarin ang call center agent sa may service road at doon ito malapitang binaril.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang sampung basyo ng bala habang natamaan naman ang ilang sasakyang nakaparada sa lugar.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments