Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, bagong presidente ng CBCP

Inihalal bilang bagong presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Ito’y kasunod ng dalawang araw na bishops’ online plenary assembly kung saan ang 62 anyos na si Bishop Pablo Virgilio David ay nagsilbing vice president mula pa noong December 2017 katuwang si Outgoing President Archbishop Romulo Valles ng Davao.

Mula nang maging pari ng Archdiocese of San Fernando noong 1983, nakilala si Bishop David na isa sa mga nangungunang Bible scholar sa ating bansa.


Taong 2006 naman nang maging auxiliary bishop ng nasabing archdiocese at nagsilbi siya rito ng 14 na taon bago inilipat sa Caloocan Diocese noong January 2016.

Isa rin si Bishop David sa limang Filipino bishop na naging delegado ng Synod of Bishops on the Word of God sa Vatican noong 2008.

Samantala, naihalal naman si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Pasig bilang vice president ng CBCP.

Taong 2006 naman nang maging auxiliary bishop ng nasabing archdiocese at nagsilbi siya rito ng 14 na taon bago inilipat sa Caloocan Diocese noong January 2016.

Isa rin si Bishop David sa limang Filipino bishop na naging delegado ng Synod of Bishops on the Word of God sa Vatican noong 2008.

Samantala, naihalal naman si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Pasig bilang vice presidente ng CBCP.

Facebook Comments