Caloocan City Government, magsasagawa ng COVID-19 test sa barangay na may pinakamaraming kaso ng nasabing virus

Magiging prayoridad ngayon ng Caloocan City Government ang Barangay 12 ng Dagat-Dagatan na isasalilam sa pagkuha ng swab sample maging sa tinatawag na rapid COVID-19 test.

Kung maaalala kagabi, isinailam na sa lockdown ang nasabing lugar dahil base sa tala ng Barangay 12, ito ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, kabilang sa uunahin na isalang sa swab at rapid test ay ang mga frontliner.


Kasabay ng pagpapatupad ng lockdown, tiniyak ni Mayor Malapitan na maghahatid sila ng food packs sa mga residente.

Aabot sa 30,000 ang residente sa Barangay 12 habang 70 ang mga pulis at barangay official ang nagsisilbing taga-bantay.

Facebook Comments