Isang bagong molecular diagnostic laboratory ang itatayo ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan upang mapalawig ang pagsasagawa nito ng RT-PCR testing para sa mga mamamayan ng siyudad.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, tutugunan ng naturang molecular laboratory ang pangangailangan sa mas malawak na COVID-19 swab testing at mas mabilis na paglabas ng resulta nito.
Ayon kay Malapitan, siserbisyuhan ng nasabing pasilidad ang lahat ng mamamayan ng Caloocan.
Kaugnay nito ay magkasamang ininspeksyon ng mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod at Department of Health- National Capital Region (DOH-NCR) ang lokasyon na pagtatayuan ng molecular laboratory sa compound ng Caloocan City North Medical Center.
Facebook Comments