Monday, January 19, 2026

Caloocan City Government, may alok na ng libreng rapid antigen test sa dalawang barangay bukas

Bilang bahagi ng mass testing sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 magsasagawa ng libreng community rapid antigen testing ang Caloocan City Government bukas.

Nakatakda itong gawin sa Barangay 28 Garlic Court sa umaga at Barangay 95 Multi-Purpose Hall sa hapon.

Sa abiso ng Lokal na pamahalaan, bukas ang community rapid testing sa mga residente sa barangay na may sintomas ng COVID-19 o close contact sa mga nagpositibo sa virus.

Paalala ng Local Government Unit (LGU) sa mga residente na sasalang sa rapid test na makipag-ugnayan muna sa kanilang health center para maisama sa schedule.

Facebook Comments